Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Inaalam pa ngayon ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaking pinagbabaril-patay sa Brgy Ilayang Nangka, Tayabas City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Tayabas City PNP, nabatid na habang nakaduty ang dalawang tanod ng naturang barangay nang mamataan ng mga ito isang humintong sasakyan .

Kasunod nito, narinig na lamang aniya ang magkakasunod na putok ng baril hanggang sa mabilis na tumakas ang mga salarin na sakay ng naturang sasakyan.

Doon na umano tumambad ang wala ng buhay na katawan ng isang lalaki na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.