Reading Time: 1 minute

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagsisiyasat ng mga kasapi ng Cabatuan Police Sation sa pagpaslang sa isang lalaki ng riding in-tandem criminals sa Del Pilar, Cabatuan, Isabela

Ang namatay ay si Aristotle Lappay, 37-anyos, may-asawa at residente ng District 2, lunsod ng Cauayan

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, naglalakad si Lappay kasama ang isang Jessa Mansibang patungong Ilog Magat nang hintuan sila ng riding in-tandem criminals na sakay ng motorsiklo.

Isa sa mga pinaghihinalaan ang bumaril ng maraming beses sa ulo ng biktima na nagresulta ng kaniyang pagmatay.