Reading Time: 1 minute

BACOLOD CITY – Patay ang isang magsasaka habang tatlo naman ang sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Moises Padilla, Negros Occidental nitong Miyerkules.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod sinabi ni police Capt. Hanzel Lumandas, hepe ng Moises Padilla Municipal Police Station, na papunta sa palayang bahagi ng Hacienda Socorro, Brgy. Odiong ang apat nang biglang bumuhos ang ulan.

Uuwi na lang daw sana ang mga magsasaka nang tamaan sila ng kidlat.

Dead on the spot ang 42-anyos na si Saldy Marfil matapos magtamo ng tama sa dibdib.

Sugat naman ang kasama nitong sina Bobot Magsipoc at magkapatid na sina Rodrigo at Rodfil Espartero.