BUTUAN CITY -Puno ng paghihinagpis at pagsisisi ang isang construction worker matapos na turukan ng petroleum jelly ang kanyang ari sa pagnanais na lumaki ito.

Nagpapagamot sa Agusan del Norte Provincial Hospital ang biktima na si alyas Ondo na residente ng Barangay Balang-Balang sa bayan ng Remedios T. Romualdez nitong lalawigan.

Ayon kay Ondo, hiniwalayan siya ng kanyang asawa dahil sa maliit ang kanyang ari kaya naman nakumbinsi siyang paturukan ito ng petroleum jelly.