CAGAYAN DE ORO CITY – Nagkapamatay sa pamamagitan nang pagsunog sa sarili ng isang hindi pa kilalang lalaki sa kilid ng Rotunda Circle, Barangay Macasandig sa Cagayan de Oro City hapon ng Sabado.

Ito ay matapos binuhusan ng biktima ng gas ang buong katawan at sinindihan ng dala nitong lighter kaya nagliliyab hanggang sa bawian ito ng buhay.

Kuwento pa ng testigo na si Alexander Vergara na taga-Barangay Nazareth na nabigla na lamang sila nang tumambad ang nag-aapoy na katawan ng biktima hanggang bumagsak sa lupa.

Kaugnay nito,iniahyag ni Police Senior Master Sgt Joel Tare ng Macasandig Police Station na inaalam pa nila ang identity ng biktima at taga-saan ito nakatira sa lungsod.

Kasalukuyan munang naka-kustodiya ang biktima sa punerarya habang hinihintay ang mga posibleng kaanak na dudulog sa pulisya kaugnay sa pangyayari.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here