LA UNION – Maliban sa kasong panggugulo o paghahamok, sinampahan din ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang isang 26-anyos na lalaki.

Una rito, nirespondehan ng mga otoridad ang tawag sa telepono ng isang concerned citizen sa Barangay Capas, Agoo, La Union hinggil sa umano’y paghahamok ng isang lalaki na armado at paghahamon sa mga tambay sa nasabing lugar.

-- Advertisement --

Nagresulta ito sa pagkakahuli ng suspek na si Francis Doctolero, binata at residente ng Barangay San Nicolas West, Agoo, La Union.

Kinapkapan ng mga otoridad ang suspek at nakumpiska mula sa kanyang wallet ang dalawang plastic tea bag na umano’y naglalaman ng marijuana.

May bigat itong 0.5 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P440.

Agad isinailalim ang suspek sa kustodiya ng Agoo Police Station para sa tamang disposisyon.