CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi na nakapalag pa ang isang lalaking may kasong murder nang matunton ng mga otoridad ang pinagtataguan nito sa Purok 6, Brgy Casisang, Malaybalay City Bukidnon.

Kinilala ni Malaybalay City Police Station Commander Lt. Col. Jerry Tambis ang suspek na si Diones Dala, 33, may live-in partner at nakatira sa Sitio Lamak, Barangay Inagongan, Lanao del Norte.

Nagtulungan ang ibat-ibang unit ng PNP sa paghuli sa suspek dahil sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noon pang Hunyo 2013.

Si Dala ay No.1 most wanted sa lugar ng Tagoloan, Lanao del Norte.