GENERAL SANTOS CITY– Patay ang isang target suspect sa isinagawang buy bust operation matapos umano itong nanlaban sa mga otoridad.

Ayon kay PLtC. Lino D. Capellan, tagapagsalita ng Police Regional Office(PRO) 12, isinagawa ang operasyon kasama ang mga personahe ng PDEA-12 sa Purok 18 , Employees Village, Block 36, Lot 1,Barangay Fatima, General Santos City.

Ayon dito, naNlaban umano ang isang Cliff Ian Bermoy alias “Ian”sa mga pulis at nangyari ang shootout at natamaan ang nasabing suspect.

Kaagad itong dinala sa ospital ngunit idinekalrang dead on arrival (DOA) ng doktor.

Kabilang sa IDID(Inter -Agency Drug Information Database) List ang napatay na suspek.

Narekober sa posisyon ng suspect ang P1000.00 marked money, baril at mga bala, sling bag na may walong heat sealed transparent plastic sachets na hinihinalang shabu.