BAGUIO CITY – Nahuli ang isang lalaki pagkatapos niyang gahasain ang nakababatang kapatid ng live-in partner niya sa Hanger Market, Baguio City.

Ang biktima ay 12-anyos habang ang suspek ay 32-anyos.

Ayon sa blotter ng pulisya, habang nakatulog ang nasabing biktima ay lumapit ang suspek at doon niya ginawa ang panggagahasa.

Walang nagawa ang biktima dahil tinakot umano at nagbanta ang suspek na may masamang mangyari sa kanya at sa ate niya kung magsusumbong ang mga ito.

Gayunman, sinumbong ng dalagita ang nangyari sa ate niya at agad na pumunta sila sa pulisya na nagresulta sa pagkahuli ng suspek.

Humaharap ang suspek ng paglabag sa RA 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997.

Dahil dito, hinihikayat uli ng ti Baguio Women’s and Children Protection Desk ang publiko na hindi sila matakot na magsumbong sa otoridad sa mga nakikita nilang pang-aabuso sa mga babae at ang sa mga bata.