-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki dahil sa paglabag nito sa liqour ban sa Binanga Sur, Tuding, Itogon, Benguet.
Nakilala itong si Ariston Milo Saguid, 52-anyos, laborer at residente ng Riverside, Loacan, Itogon, Benguet.
Batay sa report ng Itogon Municipal Police Station, nakatanggap ang pulisya ng impormasyon hinggil sa panangibiyahe ng suspek ng mga alak.
Nang makarating ang sasakyan ng suspek sa control point ng pulisya ay natuklasan na may karga itong 10 na karton ng alak at iba pang pitong botelya ng alak.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang kontrabando sa himpilan ng pulisya.