NAGA CITY- Arestado ang isang lalaki matapos sunugin ang bahay ng kanyang nakaaway sa Brgy. Malabanban Sur, Candelaria, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Edgardo Villanueva 40-anyos.

-- Advertisement --

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, sinasabing nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng suspek at biktimang si Lilibeth Rivera 33-anyos na umabot sa umano’y sapakan ng dalawa.

Kaugnay nito, dahil pinaniniwalaang hindi pa nakuntento ang suspek sumugod ito sa bahay ng biktima at sinunog ang bahay nito.

Maswerte namang walang nasaktan sa pamilya ng biktima dahil sa agad na paglipat nito sa katabing bahay dahil sa takot sa banta ng suspek.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.