LAOAG CITY – Arestado ang isang lalaki matapos makapagbenta ng iligal na droga sa police poseur buyer sa Brgy. 28 San Bernabe, Laoag City.

Sa ikinasang anti-illegal drug buybust operation ay nahuli si Victorino Teñeda Jr. y Andres, 28-anyos at residente ng Brgy 52-B Lataag nitong lungsod.

Sa halagang P1,000 ay nakabili ang police poseur buyer sa subject ng operation ng isang sachet ng umano’y iligal na droga dahilan upang agad na dinakip ito.

Narekober ng mga otoridad ang limang sachet ng hinihinalang shabu kasama ang buybust money.

Itinanggi naman ng subject na kanya ang mga nakuhang umano’y iligal na droga.

Dagdag ng suspek na hindi gumagamit ng iligal na droga.