LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaki sa Albay matapos umanong magtangka ng magpuslit ng pinaniniwalaang illegal drugs sa Legazpi City Jail.

Kinilala ang naaresto na si John Dave Katigbak na bibisita raw sana sa kapatid na nakapiit dahil sa kasong rape.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni jail warden Atty. Rodolfo Verzosa na isinilid ni Katigbak ang pinaghihinalang kontrabando sa bote ng peanut butter.

Dumepensa naman ang naaresto at sinabing walang kinalaman sa insidente.

Sa ngayon isinuko na ng pulisya sa Philippine Drug Enforcement Agency ang nakuhang suspected illegal drugs.

Nakatakda namang isailalim sa inquest proceedings si Katigbak.