NAGA CITY – Arestado ang isang 45-anyos na lalaki dahil sa kasong rape sa Brgy. Larap, Jose Panganiban Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Armando Cuya alyas Tiyo Piyot residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Capt. Edwin Adora Officer-in-Charge ng Jose Panganiban PNP, sinabi nito na matagal na umano nilang
minamanmanan ang nasabing suspek na mayroong three counts of rape sa isang 11-anyos na menor de edad.

Ayon kay Adora, halos kamag-anakan pa ng suspek ang nasabing biktima na menor de edad.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.