Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug personality dahil sa pagbebenta ng marijuana na nagkakahalaga ng P120,000 sa Pasig City.

Kinilala lamang ng PDEA ang suspek sa alyas na “Totong.”

Nadakip ito makaraang magbigay ng hudyat ang poseur buyer ng PDEA sa Barangay Paltiw, Pasig City.

Na-recover sa suspek ang 1,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na naka-bloke at ilang nakabalot ng hiwalay na plastic bags.

Dahil dito, sasampahan si Totong ng mga paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.