Anthony Davis
Anthony Davis/ IG post

Hindi pa rin natatapos ang Los Angeles Lakers na maghanap ng ibang mga malalakas na manlalaro.

Ito ay kahit na tuloy na ang pagkuha ng Lakers kay Anthony Davis ng New Orleans Pelicans.

Naging matunog kasi ang usapin ng pagkuha kay Davis kapalit nina Lakers point guard Lonzo Ball, forward Brandon Ingram, shooting guard Josh Hart at ang tatlong first-round draft choices.
Hindi pa opisyal ang nasabing trade hanggang sa pagdating ng July 6.

Isa sa target na kukunin ng Lakers ay si Duke star Zion Williamson bukod pa sa ilang mga free agents sa susunod na season gaya nina Kyrie Irving, Kemba Walker, Jimmy Butler at Southern California native Kawhi Leonard.