Frank Vogel
Frank Vogel

Malaki inaasahan ng management ng Los Angeles Lakers sa bago nilang head coach na si Frank Vogel.

Ayon kay Lakers general manager Rob Pelinka, sabik silang makasama si Vogel sa kanilang koponan.

Pinalitan ng 45-anyos na si Vogel si Luke Walton na kanilang sinibak dahil sa hindi matagumpay na pagpasok sa playoffs sa magkakasunod na limang taon.

Pinangunahan ni Vogel ang Indiana Pacers na makapasok sa playoffs ng limang beses.

Bago naging coach ng Pacers ay tumayo rin itong assistant coach ng Philadelphia 76ers at Boston Celtics noong 2001 hanggang 2011.

Pormal na ipapakilala ng Lakers si Vogel sa Mayo 20.