Maging ang lahat ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ay “lockdown” na rin sa loob ng Malacañang Complex.

Sinabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante, inoobliga niya lahat ng PSG personnel na mag-self-quarantine simula bukas, Marso 28.

Ayon kay Col. Durante, walang PSG personnel ang maaaring lumabas ng Malacañang Complex habang naka-quarantine.

Mananatili naman daw ang pasok ng skeletal force ng Office of the President (OP) pero kailangang sumailalim sa mga screening procedures.

Ginawa ni Col. Durante ang direktiba matapos makahalubilo ng mga PSG members ang ilang opisyal ng gobyerno na positibo sa COVID-19 at na-exposed sa mga persons under investigation (PUIs).

“I require all PSG personnel to go on self-quarantine effective 28 March. No PSG personnel to go out of Malacanang Complex until 10 April. OP personnel is to maintain their skeletal workforce and shall be allowed to go to their respective offices within Malacañang Complex subject to regular screening procedures. The lockdown only applies to PSG personnel,” ani Col. Durante.