
Tuloy-tuloy ngayon ang monitoring ng Department of Health (DoH) sa lahat ng ospital sa bansa matapos itaas sa heightened alert status.
Ayon sa DoH, ito ay bilang paghahanda pa rin sa nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon.
Sinabi ng DoH na masusi nilang babantayan at imo-monitor ang mga hospital sa bansa, upang masiguro ang kahandaan nito sa pagbibigay ng lunas sa fire cracker related injuries sa darating na bagong taon.
Kaugnay nito, sa December 29 ay nakatakdang mag-ikot ang mga opisyal ng DOH sa ilang malalaking ospital sa Metro Manila, para bisitahin ang sitwasyon ng mga ito sa nasabing araw na posibleng dumagsa na ang mga biktima ng illegal na paputok.
Sa unang araw ng 2023, nakatakdang maglabas ng assesment ang DOH sa magiging datos ng fire cracker related injuries sa buong bansa.










