-- Advertisements --
Pansamantalang naninirahan sa isang evacuation center sa Barangay Palingon, Taguig City ang halos 3,000 indibidwal na naninirahan malapit sa Laguna De Bay.
Tumaas kasi ng hanggang 6 na talampakan ang tubig sa Laguna de Bay bunsod na rin ng malakas na ulan na dala ni Bagyong Rolly.
Bahagya namang nahihirapan ang mga baranggay official ng naturang lungsod na pagsabihan ang mga evacuees na panatilihin ang social distancing dahil halos nagsisiksikan na aniya ang mga ito.
Sa kabila nito ay tiniyak naman ng mga otoridad na ang lahat ng tao na nasa loob ng evacuation sites ay nakasuot ng face mask.