Lady Gaga
Lady Gaga/ Ig post

Muling bibida sa pelikula ang singer na si Lady Gaga.

Naghahanda na ito sa pelikula na gagawin ng sikat na filmmaker na si Ridley Scott.

Si Scott ang siyang nasa likod ng mga pelikulang “Alien”, “Blade Runner” at “Gladiator”.

Gaganap si Lady Gaga o Stefani Germanotta bilang asawa ng sikat na designer na si Maurizio Gucci.

Itinuturing na suspek ang asawa ni Gucci na si Patrizia Reggiani na nakulong ng 18 taon at nakalaya lamang noong 2016.