Pinayuhan ng Philippine Overseas Labor Office in Hong Kong (POLO-HK) ang mga Filipino na nagtatrabaho sa Hong Kong na isumbong agad sa kanila ang hindi makatarungang pagtanggal sa kanilang trabaho dahil sa coronavirus outbreak.

Sinabi ni Assistant Labour Attache and officer-in-charge Antonio Villafuerte, na kailangang masunod ng mga employer ang itinakdang kasunduan.

Isa dito ay ang pagkakaroon ng isang one-month notice o bibigyan ng pasahod kasunod ng notice.

Sakaling nagdesisyon ang employer na tanggalin ang empleyado nito dapat ay mabayaran ang sahod din ng mga ito.

Sakaling ang pagtanggal sa empleyado ay may kinalaman sa travel ban o sa COVID-19 ay dapat ipaalam sa kanila ito at para agad nilang makausap ang employers.