Napili ng Boxing Writers Association of America bilang Fight of The Year ang laban ni Nonito Donaire kay Naoya Inoue.

Sa nasabing laban na ginanap noong Nobyembre 7 sa Japan ay tinalo ni Inoue ang The Filipino Flash sa pamamagitan ng unanimous decision.

Dahil dito ay nakuha ni Inoue ang WBA, IBF at The Ring Magazine bantamweight titles.

Sinasabing nahigitan ng dalawa ang laban nina Gennady Golovkin vs. Sergiy Derevyanchenko, laban ni Manny Pacquiao kay Keith Thurman, laban ni Andy Ruiz kay Andy Joshua, Errol Spence Jr. vs. Shawn Porter at Josh Taylor vs. Regis Prograis.