Reading Time: 1 minute

No comment pa ang celebrity couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica hinggil sa napaulat na magkakaroon na sila ng second baby.

Base sa report ng pep, nakatakdang isilang ni Kylie ang baby No. 2 sa Nobyembre ngayong taon na nagkataong kasabay pa umano sa due date ng kapwa aktres at stepmother niyang si Mariel Padilla.

Sa ngayon ay magda-dalawang taon gulang pa lamang ang panganay nina Aljur at Kylie na si Alas Joaquin.

Kung maaalala, nagkaroon ng tampuhan ang 26-year-old actress at ama nitong tinaguriang “Bad Boy in Philippine Showbiz” na si Robin Padilla dahil hindi nasunod ang request na magpakasal na sila ni Abrenica noong kasagsagan ng kanyang pagbubuntis.

Pero tatlong buwan matapos manganak ni Kylie noong August 2017, kinarga na ni Binoe si baby Alas.