Posible umanong hindi makasama sa simula ng training camp ng Los Angeles Lakers si forward Kyle Kuzma dahil sa foot injury.

Maaalalang napilitang umatras si Kuzma sa ikinokonsiderang players para sa Team USA bunsod ng sinasabing injury sa kanyang bukong-bukong.

Binuksan ng Lakers ang kanilang ensayo noong nakalipas na weekend sa gitna na rin ng pag-asang babangon na sila ngayong seadon makaraang kunin si All-NBA Anthony Davis mula sa New Orleans Pelicans upang ipares kay LeBron James.

Nagtapos na may 37-45 kartada ang Los Angeles noong 2018-29 season.

Noong nakalipas na season, naglista ng average na 18.7 points, 5.5 rebounds at 2.5 assists per game si Kuzma.

Ilang mga laro ang hindi naman nito nalahukan sa pagtatapos ng season bunsod ng dinanas nitong tendinitis sa kaliwang paa.