Temporaryong sinuspindi ng Kuwaiti government ang mga flights mula sa Pilipinas at anim na iba pang bansa bilang precautionary measure para ma-control ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa Circular No. 27, sinabi ni Directorate General of Civil Aviation (DGCA) na suspendido ang lahat ng mga flights palabas at papasok ng Kuwait International Airport kapag galing ang mga eroplano sa Pilipinas, Bangladesh, India, Sri Lanka, Syria, Lebanon at Egypt.

Epektibo raw ito sa loob ng isang linggo mula nang ilabas ang direktiba kahapon.

Ang mga citizens ng Kuwait na papasok sa naturang bansa ay papagayan namang pumasok pero kinakailangan nilang sumailalim sa quarantine procedures.