-- Advertisements --
DOH VERGEIRE
DOH Usec. Maria Rosario Vergerie

Isiniwalat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tanging initial reports lamang ang natanggap ng Department of Health (DOH) tungkol sa COVID-19 cases at fatalities sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ito’y konektado sa kontrobersyal na pagkamatay ng ilang high profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP) dahil umano sa COVID-19.

Sinabi ni Usec. Vergeire na kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang ahensya sa BuCor upang makuha ang buo at kumpletong datos hinggil dito.

Paliwanag nito na nakatatanggap naman ng figures ang DOH sa kasalukuyang sitwasyon ng deadly virus sa loob ng national penitentiary ngunit kailangan pa nitong dumaan sa masusing beripikasyon.

“Pagdating sa amin ay numero muna saka pa ho nabe-verify ‘yan kung ano po ang mga pangalan at kung ano ang identities,” ani Vergeire.

Una nang nagpaalala ang Health department sa mga otoridad na siguraduhing nasusunod ang pinaiiral na health protocols sa loob ng kulungan.