CENTRAL MINDANAO – Nahuli ng mga otoridad ang isang mataas na opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sangkot sa PNP-Special Action Force (SAF) massacre sa Maguindanao.

Nakilala ang inaresto na si Abu Halil alyas Kumander Haraemen ng 105th Base Command ng MILF.

Naospital si Halil sa isang pagamutan sa Cotabato City at hinuli ng pinagsanib na pwersa ng CIDG-BARMM, City PNP at Task Force Kutawato.

Hinuli ang suspek base sa warrant of arrest criminal case #SA-604 to SA-638 na unang inisyu ni RTC 12 Branch 15 acting Presiding Judge Alandrex Betoya.

Si Halil ay isa umano sa mga naka-engkwentro ng mga napaslang na SAF-44 sa madugong operasyon noong 2015 sa Brgy Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.