Hangad umano ni Kris Aquino na mapanindigan nito ang pansamantalang paglayo sa online world.

Nabatid na nagdesisyon ang tinaguriang “Queen of All Media” na mag-indefinite leave partikular sa kanyang Instagram account dahil sa komplikado nitong medical diagnosis at nabansagan pa raw bilang “drama queen” ng mga kritiko.

Ayon sa 48-year-old TV host/actress, kailangan niyang ayusin ang kanyang sariling na malayo sa mga bashers at tigilan na ang pagpanggap na siya ay OK lamang.

“I need to make peace with all that’s broken within me. And I need to do that PRIVATELY. I’m sure you’re now making bets on how long this will last, BUT I’m taking control, so my return is up to me, when I’m ready. Sana may mababalikan pa ko. Kung wala, wala pong sisihan,” bahagi ng caption ni Kris.