Nagkaayos na sina Kris Aquino at dating business partner nitong si Nicko Falcis.

Ito ay matapos ang isang taon ng magsampa ng kasong qualified theft ang TV host actress kay Falcis.

Sa kaniyang social media post, inanunsiyio ni Kris na nagkasundo na sila ni Nicko at maging ang kapatid nitiong si Atty. Jesus “Jess” Falcis.

Nagpost rin si Falcis sa kaniyang social media ng pag-aayos na nila ni Kris.

Magugunitang noong nakaraang taon ay inakusahan ni Kris si Falcis bilang business manager, talent manager at project director ng digital company nito dahil sa pagwaldas nito ng mahigit P1.2 million gamit ang credit card na ipinagkaloob sa kaniya ng actress.