Tinanghal ang Korean actor Kang Ha Neul bilang best actor sa 56th Baeksang Art Awards 2020.

Ginanap ang nasabing awarding ceremony nitong Biyernes sa KINTEX Exhibition Hall sa Goyang-si sa South Korea.

Bumida kasi ang actor sa pelikulang “When The Camelia Blooms”.

Katumbas ng nasabing award ang sikat na Oscars at Emmys sa America.

Tinalo nito sina Hyun Bin na bumida sa “Crash Landing On You” at si Park Seo Joan ng “Itaewon Class”.

Nakuha naman ni Kim Hee Ae ang best actress award sa pagganap nito sa The World of the Married.

Nahigitan niya sina Gong Hyo Jin ng “When the Camelia Blooms”, Kim Hye Soo ng “Hyena”, Son Ye Jin ng “Crash Landing On You” at IU ng “Hotel Del Luna”.