Inamin ng Department of Transportation (DOTr) na sa darating na Abril na sisimulan ang konstruksyon ng extension project ng Light Rail Transit (LRT)-Line 1 patungong Bacoor, Cavite.

Sa isang panayam Transportation Usec. for Railways TJ Batan, pormal ng sisimulan ang anila’y “actual works” sa proyekto matapos ang ilang taon na paghihintay ng publiko rito.

Target daw ng DOTr na matapos ang buong proyekto sa taong 2021 kung saan mula sa huling istasyon ng Line 1 sa Baclaran ay dudugtungan pa ng mga istasyon na magtatapos sa Niog, Bacoor City.

Sa ilalim ng train extension, higit 400,000 pasahero umano araw-araw ang inaasahang mabibigyan ng mas mabilis na biyahe ayon sa Transportation department.