Nakatakdang isumite ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang 2020 National Expenditure Program (NEP) sa darating na Martes, Agosto 20.

Pahayag ito ni House appropriations panel chairman at Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab ngayong araw, salungat sa naunang pahayag ni ways and means panel chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na isusumite ng Malacanang ang NEP bukas, August 15.

Sa kabila ng pagbabago sa petsa kung kailan ito isusumite, sinabi ni Ungab na matutuloy ang orihinal na schedule ng budget hearings mula Agosto 22 hanggang Setyembre 29.

“August 19 is a holiday in Quezon City and August 21 too, is a holiday. So August 20 I think is the final date,” ani Ungab.

Sa ilalim ng Article VII Section 22 ng 1987 Constitution, mandato ng Pangulo na magsumite sa Kongreso ng budget at kung saan ito kukunin sa loob ng 30 araw magmula nang pagbubukas ng regular session.