-- Advertisements --

Hindi na kailangan pang magdaos ng Kongreso ng isang special session para aprubahan ang kinakailangang supplemental budget na gagamitin sa pagbili ng mga personal protective equipment at iba pang medical supplies, ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman.

Ayon kay Lagman, available naman sa ngayon ang Contingent Dund ni Pangulong Rodrigo Duterte pati na rin ang Calamity Fund na maaring gamitin sa health crisis na kinakaharap ngayon ng bansa.

Nakasaad aniya sa ilalim ng 2020 General Appropritations Act na aabot sa P13 billiona gn Contingent Fund na maaring gamitin para pondohan ang mga maitutturing na “urgent projects and activities” ng ahensya ng pamahalaan at GOCCs na dapat ipatupad o bayaran ngayong taon.

Ang mga hakbang sa pagpigil sa paglakat sa COVID-19 at treatment nang mga infected patients ay sakop aniya sa mga maaring paggamitan ng Contingent Fund.

Bukod dito, mayroon ding P16 billion na National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) na maari namang gamitin bilang “aid, relief at rehabilitation services” sa mga lugar na apektado ng human-induced at natural calamities.

Gayunman, iginiit ni Lagman na kailangan ang approval ng Pangulo sa paggamit ng Contingent Fund at NDRRMF.

Sa kabilang dako, sa oras na magbukas muli ang sesyon ng Kongreso sa Mayo 4, sinabi ni Lagman na maaring aprubahan na ang P1.65 billion supplemental budget.

Ito ay para ma-replenish aniya ang halagang nagamit mula sa Contingent Fund at NDRRMF.