Reading Time: 1 minute
Kobe Bryant
Kobe Bryant/ IG post

Aminado si NBA star Kobe Bryant na tapos na ang pamamayagpag ng USA basketball team sa FIBA Basketball world Cup.

Kabilang kasi si Bryant sa Redeem Team 2008 ng makakuha sila ng gold medal sa Beijing matapos na bigong magtagumpay ang USA Basketball sa mga malalaking international tournaments.

Bilang ambassador ng FIBA ay ikinakalungkot nito ang naging performance ng mga Team USA.

Magugunitang binigo ng France at Serbia ang team USA na magtatapos lamang sa ikapito at ikawalong puwesto.