Tinambakan ng husto ng New York Knicks na umabot sa 29 points ang Miami Heat para itala ang final score sa 115-86.

Hindi inalinta ng Knicks ang pagkabigong maglaro ng kanilang leading scorer na si Kristaps Porzingis kaya naman bumida si Enes Kanter.

Kumamada si Kanter ng 22 points at 14 rebounds.

Sinamantala rin ng New York ang kawalan ng starting center ng Miami na si Hassan Whiteside bunsod ng left knee soreness.

Tumulong din si Courtney Lee sa kanyang ipinakitang 17 points para sa Knicks (11-10).

Sa panig ng Miami nagkasya si Kelly Olynyk sa 18 points,

Bago ito ay tumikim din ng pagkatalo ang Heat (10-11) kahapon sa Cleveland dahilan para iposte nila ang kanilang 2-2 record sa mga road games.

Aminado ang Miami point guard na si Goran Dragic na kulang sila sa enerhiya at salat din sa maayos na depensa laban sa kanilang karibal na teams.