KALIBO, Aklan- Balik na sa normal ang klase sa mga eskwelahan na malapit sa Governor Corazon Legaspi-Cabagnot Memorial Training Center sa Brgy. Old Buswang, Kalibo, Aklan.

-- Advertisement --

Kinuha ni Kalibo Mayor Emerson Lachica ang suspension ng klase sa lahat na antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan matapos na makabalik noong araw ng Biyernes, Enero 31 sa China via Chengdu sakay ng China Eastern Airlines ang 11 Chinese tourist na isinailalim sa quarantine dahil sa posibilidad na exposure ng mga ito sa Novel Coronavirus acute respiratory disease.

Ang nasabing mga paaralan ay ang Regional Science High School for Region VI, Saint Gabriel College, Buswang Old-Bachao Sur Elementary School at Starglow Center for Academic and Arts.

Nais pa sana ng mga dayuhan na kinabibilangan ng pitong adult at apat na bata na ma-extend ang kanilang pananatili sa Aklan at huwag muna bumalik sa China sa pangamba sa sakit na 2019 N-CoV.

Isang linggo silang na-quarantine dahil sa pagkaroon ng close contact sa isang nagpositibo sa nasabing respiratory virus sa Hong Kong.