Nagbitiw na si reelected Quezon City 6th Rep. Jose Christopher “Kit” Belmonte bilang secretary general ng Liberal Party (LP).

Ito’y kasunod ng anunsyo ni Sen. Francis Pangilinan na bumaba na rin siya sa puwesto bilang presidente ng dating ruling party.

Si Belmonte ay isa sa tanging 18 kandidato mula sa LP na nakakuha ng puwesto sa Kongreso.

Dahil sa kaunting kongresista mula sa kanilang grupo ang nanalo sa halalan, sinabi ni Belmonte na asahan na raw pagkakaroon pa rin ng “tyranny” mula sa super majority.

Gayunman, sinabi ng kongresista na mananatili ng LP ang kanilang paninindigan at posisyon.