Handang-handa na si Filipino Mixed Martial Arts fighter Danny Kingad sa laban niya kay Wei Xie.

Sinabi nito na positibo itong makakabangon mula sa pagkatalo noon kay Demetrious Johnson.

Dagdag pa nito na parang magsisimula pa ito sa umpisa at tiniyak na tatalunin si Xie.

Ibinunyag pa nito na marami na itong napag-aralan sa laban niya noon kay Johnson.

Magiging bahagi ang laban nito kay Wei sa ONE: Fire and Fury na gaganapin sa Biyernes sa MOA Arena kung saan may laban din dito si Joshua Pacio kontra kay Alex Silva ng Brazil.

-- Advertisement --