Kim Kardashian
Kim Kardashian/ Twitter image

Nagwagi si Kim Kardashian sa kasong isinampa niya clothing company na gumamit ng kaniyang larawan ng walang paalam.

Pinagbabayad ng korte $2.7 million bilang damage ang Missguided USA na nauna ng kinasuhan ng reality star noong Pebrero.

Bukod pa sa nasabing bayad ay mayroong $60,000 na bayad bilang attorneys’ fees.

Nakita ng korte na makailang beses na ginamit ang pangalan at larawan ng reality star ng nasabing kumpanya.