Reading Time: 1 minute
Shah Faesal
Shah Faesal

Ikinulong sa India ang kilalang bureaucrat-turned-politician mula sa Kashmir region na si Shah Faesal.

Ito ay dahil isa ang nasabing opisyal na hindi pumayag sa desisyon ng India na tanggalin ang special status nito.

Dahil sa nasabing insidente ay pinabalik na ito sa Kashmir region.

Magugunitang pinag-aagawan ng India at Pakistan ang Kashmir region kung saan makailang beses na nagkaroon ng missile attack.