CENTRAL MINDANAO-Bumuo na ng inter-agency task force ang lokal na pamahalaan ng Kidapawan City sa mahigpit na pagmamanman (monitoring) sa Novel Corona Virus.

Nilagdaan mismo ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang EO para masiguro ang kapakanan ng taong bayan laban sa NCOv.

Sinabi ni OIC Information Officer Attorney Paolo Evangelista, nakahanda naman anya ang mga ospital sa siyudad lalo kung may makitaan ng sintomas sa NCOv.

Tiniyak din ni Evangelista na hindi makaka-apekto sa mga aktibidad sa lungsod sa nalalapit na 22nd charter anniversary.

Mahigpit ang pinatutupad na monitoring ng LGU-Kidapawan katuwang ang City Health Office at ilang ahensya ng gobyerno sa lungsod at probinsya kontra NCOv.

-- Advertisement --

Nilinaw ni Atty Evangelista na pinalawak pa nila ang information dissemination kung ano ang mga dapat gawin upang makaiwas sa nakakamatay na sakit na nagmula sa Wuhan China.

Nanawagan ang opisyal sa publiko na iwasan na magbahagi ng hindi kumpirmadong impormasyon o fake news hinggil sa NCOv na magdudulot ng pagkasindak ng mamamayan.