khabib mcgregor
Khabib vs. Conor

Hindi na interesado pa si Khabib Nurmagomedov na muling makalaban pa si Conor McGregor.

Ito ay kahit na alukin siya ng ilang milyong pera para makaharap muli ang Irish fighter.

Nagdagdag pa nito na nakatutok siya ngayon sa susunod na laban niya kay Tony Ferguson sa buwan ng Abril.

Mas maigi aniya na itulong na lamang sa mga nangangailangan ang nasabing halaga ng pera.

Reaksyon ito sa lumabas na balitang inalok ito ng $100-M ng isang bilyonaryong negosyante sa Saudi Arabia para malabanan muli si McGregor.

-- Advertisement --

Magugunitang tinalo ni Nurmagomedov si McGregor sa una nilang paghaharap noong Oktubre 2018.