Umapela naman ang modelong si Kelsey Merritt dahil umano sa kakulangan ng ospital malapit sa surfing spot sa Siargao. Ito ay matapos magtamo ng head injury ang kanyang American swimmet at Olympic gold medalist boyfriend na si Conor Dwyer.

Sa instagram stroy ng Fil-Am model, ipinakita nito na kailangan pa nilang sumakay ng bangka para lang madala ang kanyang nobyo sa pinaka malapit na clinic.

Giit naman ng surfing instructors sa lugar na mayroon silang proper rescue at first aid training. Mayroon din daw silang rural health unit at pribadong clinic.

Ayon naman sa isang doktor sa lugar, kaagad na dinadala sa mga clinic ang mga pasyente na nagtatamo ng minor injuries samantalang sa Siargao District Hospital naman ang mga seryosong o malubha na injuries na kayang mag-accomodate ng 30 katao.

Ang nasabing ospital ay 20 minuto ang layo sa General Luna.

-- Advertisement --

Siniguro naman ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na gumagawa na ng paraan ang Department of Tourism upang magkaroon ng medical services sa nasabing lugar.