Kelly Nabong
Kelly Nabong/ twitter image

Minultahan ng P30,000 si San Miguel Beermen player Kelly Nabong dahil sa pambabalya kay Chris Newsome ng Meralco Bolts.

Naganap ang insidente sa paghaharap ng dalawang kopona nitong Linggo sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Unang tinawagan ng flagrant foul penalty ang Beermen player ng banggain si Newsome habang isasaksak sana ang bola.

Dahil sa nasabing foul ay naging hindi maganda ang bagsak ni Newsome.

Binalaan ni PBA commissioner Willie Marcial si Nabong na hindi na baguhan sa mga ganitong foul.