Mistulang minaliit lamang ni KC Concepcion ang pag-alma ng ilang netizens kaugnay sa kanyang ipinost na daring photo.

Nabatid na maraming napa-wow ang Megastar daughter, ngunit may mga nagsabi rin na “too much” ang halos pagpapakita na nito sa kanyang malulusog na dibdib.

Sumang-ayon ang 34-year-old TV host/actress sa kanyang fan na nagsabing modernong panahon na, at tila nagpahiwatig na mas magbabago pa ito ng image pagsapit ng 2020.

“2020 coming right up!” sagot ni KC o Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion sa tunay na buhay.

Kamakailan naman ay naging usap-usapan na buntis daw si KC dahil sa tila pagtaba nito, bagay na kanyang pinabulaanan.

Noong nakaraang buwan ay sinabi ni KC na handa na siyang makipag-date uli ngunit walang direktang kumpirmasyon kung hiwalay na nga sila ng French businessman boyfriend.