KBP logo

Tiniyak ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang suporta sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa inilabas na kalatas ng KBP, sinabi nito na naging long-time member na ng asosasyon ang itinuturing na pinakamalaking broadcasting company sa bansa.

Marami na ring naitulong ang nasabing kompaniya sa grupo at mga repormang ipinatupad sa broadcast industry ng bansa.

Pinuri rin ng KBP ang 17th at 18th Congress dahil sa may mga aplikasyon na prangkisa ng mga network ang kanilang naaprubahan.

Tiniyak ng KBP na tutulong ito para ma-renew ang prangkisa ng nasabing TV broadcast company.

“The KBP trusts that these pending applications will be favorably acted upon just like all other prior applications for renewal,” pahayag pa ng KBP.

KBP