Buhay pa raw ang pag-asa ng NBA top team na Utah Jazz kahit namemeligrong maitsapuwera sa pag-usad sa second round matapos talunin kanina sa Game 5 ng Los Angeles Clippers sa iskor na 119-111.

Aminado ang Jazz top scorer na si Donovan Mitchell napakadelikado ng kanilang kalagayan lalo na at isang panalo na lamang ang kailangan ng Clippers para umusad sa Western Conference finals.

Ayon kay Mitchell, kailangan daw nilang magpakita ng desperadong laro at ibuhos na ang lahat ng natitirang lakas kung ayaw nilang tuluyang ma-eliminate sa serye.

Una rito, binitbit ng beteranong si Paul George ang Clippers gamit ang 37 points at 16 rebounds upang punan ang pagkawala ni Kawhi Leonard na hindi nakalaro dahil sa knee injury.

Sa ngayon wala pang katiyakan ang Clippers kung kelan makakabalik sa game ang 2-time Finals MVP.

Samantala ang Game 6 ay gagawin sa Sabado sa teritoryo ng Los Angeles.