Natigil na rin ang kamalasan ng Los Angeles Clippers matapos na tambakan ang Memphis Grizzlies, 124-97.

Nanguna sa opensa si Kawhi Leonard na may 25 points upang putulin ang tatlong sunod na talo ng team.

Swerte rin sa pagbabalik sa Clippers (38-19) sina Paul George at Patrick Beverly na kapwa dating may injury.

Sa unang nine points ng LA pito kaagad ang naiambag ni George.

Umabot sa 35 ang kalamangan ng Clippers sa pagsisimula ng second quarter.

Uminit din sa puntos si Montrezl Harrell na may 22 points.

Samantala sa next game tatangkaing makabawi ng Grizzlies (28-29) laban sa Houston sa Huwebes.

Ang Clippers naman ay tutungo ng Phoenix.

Una nang dinomina ng Clippers ang 10 huling banggaan nila sa Suns kung saan naipanalo nila ang siyam.