-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang kawani ng Telephone Company sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Reynaldo Dayundon, 50 anyos,may asawa,kawani ng telcos at residente ng Santan Street Barangay Poblacion, Alabel Sarangani Province.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba na habang lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo nang pagsapit nito sa tulay ng Pagalungan Maguindanao ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem assassin at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pagalungan.

Agad namang dinala sa pagamutan ng mga nagrespondeng pulis sa bayan ng Pagalungan ang biktima ngunit binawian rin ito ng buhay.

-- Advertisement --

Nagtamo ng walong tama ng bala sa katawan ang biktima dahilan ng pagkasawi nito.

Sa ngayon ay blangko pa ang Pagalungan PNP sa motibo sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.